Palasyo, humingi ng paumanhin sa mabagal na distribusyon ng ayuda

Humingi ng pang-unawa ang Malacañang hinggil sa mabagal na pamamahagi ng ayuda.

Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, nagiging maingat lamang ang pamahalaan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Pagtitiyak ni Roque na maraming pang residente ang makakatanggap ng cash assistance mula sa pamahalaan.


Iniiwasan din ng pamahalaan ang pamamahagi ng ayuda sa pamamagitan ng digital channels para maiwasan ang karagdagang service fee.

Nabatid na nasa ₱23 billion ang inilaan ng gobyerno para sa one-time cash assistance sa mga low-income residents na apektado ng mahigpit na lockdown sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna.

Facebook Comments