Palasyo, humingi ng paumanhin sa mabagal na pamamahagi ng SAP 2

Humingi ng paumanhin ang MalacaƱang sa pagkakaantala ng distribusyon ng ikalawang bahagi ng emergency subsidy sa mga mahihirap na pamilya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinaplantsa na ng pamahalaan ang digital payment scheme para matiyak ang epektibong pamamahagi ng financial aid sa mga benepisyaryo.

Pagtitiyak ng Palasyo na maibibigay ang ayuda sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa lalong madaling panahon.


Facebook Comments