Palasyo, iaasa sa Kongreso ang pagsasabatas ng panukala na kikilala sa civil union ng same sex couples

Naniniwala si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na wala nang rason para hindi suportahan ng kahit na ang pinaka-konserbatibong tao sa Kongreso ang same sex union.

Ito ay makaraang maghayag ng pagsuporta sa civil union para sa same sex couples si Pope Francis.

Ayon kay Roque, kahit si Pangulong Rodrigo Duterte ay matagal nang pumapabor sa pagsasabatas ng isang panukala na kumikilala sa civil union ng same sex couples.


Sinabi pa ng kalihim na nakadepende pa rin ito sa mga mambabatas at kung ipaprayoridad nila ang pagsasabatas nito.

Facebook Comments