Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang kautusan na layuning palakasin ang kampanya ng pamahalaan upang mawakasan ang hazing at iba pang fraternity-related violence.
Ika-21 ng Pebrero ng pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Proclamation Number 907 na deklarado ang kada ikalawang linggo ng Pebrero bilang National Hazing Prevention Week.
Sa nasabing proklamasyon, inaatasan ang Commission on Higher Education o CHED na manguna sa nationwide yearly observance ng National Hazing Prevention Week.
Hinihikayat din ang lahat ng ahensya ng pamahalaan kabilang na ang mga government-owned or controlled corporations, state universities & colleges maging ang mga Local Government Unit (LGU) na suportahan ang Commission on Higher Education (CHED) sa pagsasagawa ng mga programa at proyekto kaugnay ng nasabing aktibidad.