Malaya ang sinuman na maglabas ng hinaing o sentimyento hinggil sa inilabas na cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC) dahilan para mahinto ang operasyon ng ABS-CBN.
Reaksyon ito ng Palasyo sa pahayag ni Vice President Leni Robredo na nagsasabing hindi napapanahon ang pagsasara sa TV giant network lalo na ngayong nahaharap tayo sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, nagdesisyon na ang NTC at sa ngayon dapat kumilos ang Kongreso upang maisabatas ang franchise bill ng Kapamilya network
Matatandaang inamin mismo ni Roque na hindi praktikal sa panahon ngayon ang ABS-CBN shut down pero alinsunod sa batas kapag walang prangkisa ay hindi rin maaaring makapag-operate.
Nabatid na magdadalawang araw nang wala sa ere ang ABS-CBN dahil sa napaso nilang prangkisa noong May 4.