Mariing itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na pabuya ang bagong posisyong ibinigay sa dating opisyal ng Office of the President na si bagong Commission on Audit (COA) Chairperson Rizalina Noval Justol.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, may pantayang sinusunod ang Palasyo sa pagtatalaga sa mga opisyal.
Kabilang aniya sa mga pamantayang ito ay karanasan, credentials, achievements at accomplishments.
Binigyang diin pa nito na hindi pwedeng sabihing pabor kay Justol ang bago nitong pwesto dahil dadaan pa rin naman ito sa pagbusisi ng Commission on Appointments.
Matatandaang naharap si Justol sa kasong malversation of funds noong siya ang Davao City accountant noong taong 2010 sa panahong alkalde pa lamang noon ng Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte.