Palasyo iginiit na presidential protocol ang pagsama ng ilang mambabatas at showbiz personalities sa Russia trip ng pangulo

Presidential Protocol ang makasasagot kung kasama o bahagi ng official delegation ang ilang kongresista na namataan sa biyahe ni Pangulong Duterte sa Russia.

 

Tugon ito ni Chief Presidential Legal Counsel at spokesman Salvador Panelo kasunod ng paglabas sa social media ng mga larawan ng ilang mga mambabatas at nasa showbiz industry na nakita sa ilang mga event ng Presidente sa Russia.

 

Sabi ni Panelo, tanging protocol ang makasasagot kung parte ng delegasyon ang ilang mga kongresista sa Russia trip ng Presidente ganundin sa kung sila ba ang sumagot sa sarili nilang pamasahe at accomodation dito sa Moscow.


 

Pero sa hanay ng mga artistang nasa Russia, sinabi ni Panelo na nuon pa man ay bahagi na sila ng Filipino community event ng Presidente at siyang nagbibigay entertainment sa mga Pinoy habang naghihintay sa pagdating ng Pangulo.

 

Hindi na aniya ito bago dahil kahit nuong panahon ng kampanya ay ginagawa na ng mga artistang taga-suporta ng Pangulo ang ganitong pagpapasaya sa audience ng Pangulo.

 

Dagdag ni Panelo walang bayad ang mga nasa showbiz na sumama sa biyaheng ito ng Pangulo.

 

Ilan sa mga artistang nakita sa Russia ay sina moymoy palaboy, Cesar Montano at Philip Salvador habang sa hanay ng mga congressman ay namataan sina Lourd Allan Velasco, Martin Romualdez at El ray Villafuerte.

Facebook Comments