Natutuwa ang Palasyo dahil unti-unti nang tumataas ang vaccine confidence sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ang pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) ay nagpapatunay na dumadami na ang nagtitiwala sa bakunang mayroon tayo ngayon dito sa bansa.
Base sa SWS Survey, umangat sa 51% ng mga Pilipino ang nais magpabakuna habang nasa 32% ang hindi tiyak o uncertain at 17% ang nagpahayag na hindi pa rin sila tiwala sa bakuna.
Mas mataas o mas marami na ang gustong magpabakuna ngayon kung ikukumpara noong nakaraang survey na isinagawa noong February 22- March 3 na nagsasabing 61% ng mga Pilipino ang ayaw sa bakuna.
Kasunod nito, muling hinikayat ng Palasyo ang publiko na magpabakuna na lalo na ang kasama sa priority list nang sa ganoon ay magkaroon ng proteksyon laban sa COVID-19.