Nilinaw ngayon ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na hindi nationwide ang mungkahi nilang magpatupad ng 4-day work week sa mga tanggapan ng pamahalaan sa gitna ng lumolobong bilang sa kaso ng COVID-19.
Paliwanag ni Nograles, para lamang sa mga lugar na may malalang sitwasyon o kaso ng COVID-19 nila irerekomenda ang apat na araw na pagta-trabaho para sa mga empleyado ng gobyerno.
Ito aniya’y tatalakayin pa ng Inter-Agency task Force at ikokonsulta sa Civil Service Commission (CSC).
Araw-araw, aniya, nilang binabantayan at dinedetermina ang mga lugar kung saan may namumuo nang clustering ng kaso ng COVID 19.
Layunin ng naturang panukala na mabawasan ang exposure ng mga kawani ng pamahalaan sa kinatatakutang sakit kung saan, karamihan nang naitatalang kaso ay dito sa National Capital Region (NCR).