Palasyo, ikinalungkot ang patuloy na dumaraming bilang ng pamilyang Pilipinong nagugutom

Patuloy ang pakiusap ng Palasyo sa publiko na magpabakuna na.

Ito ay makaraang lumabas ang latest Social Weather Stations (SWS) survey kung saan nasa 4.2 milyong pamilyang Pilipino ang nakararanas ng gutom nitong nakalipas na tatlong buwan bunsod pa rin ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, nakakalungkot ang ganitong mga ulat na hindi naman aniya ginusto ng pamahalaan dahil epekto ito ng pandemya.


Kasunod nito, naniniwala ang Palasyo na ang patuloy na pagsunod sa health protocols tulad ng mask, iwas, at hugas at samahan pa ng bakuna ang susi sa unti-unting pagbubukas ng ating ekonomiya.

Kapag marami na ang nabakunahan o nakamit na ang population protection ay mas marami pang negosyo ang bubuksan dahilan upang makabalik trabaho ang ilan nating mga kababayan na siyang solusyon sa pagkagutom.

Facebook Comments