Welcome decision sa Palasyo ng Malakanyang ang naging hatol ng Korte Suprema na nagbabasura sa petition for mandamus na inihain laban kay Pangulong Rodrigo Duterte ng abogadong si Romeo Esmero dahil sa kawalan ng sapat na merito.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at CabSec. Karlo Alexi Nograles kabilang sa mga kapangyarihan ng pangulo ay ang pagkakaroon ng peaceful at stable conduct ng foreign affairs, bagay na hindi na kailangan pang iatas sa pamamagitan ng petition for mandamus.
Sinabi pa ni Nograles na sa pamamagitan ng desisyon na ito ng Kataas -taasang Hukuman nabigyang tibay na si Pangulong Duterte ang chief architect ng ating foreign policy.
Kasunod nito, tiniyak ng kalihim na mananatili at hindi magbabago ang posisyon ng pangulo hinggil sa patuloy na paninindigan para sa mapayapang pagreresolba ng sigalot sa West Philippine Sea.