Palasyo, ikinatuwa ang pagkakasama ng Sinovac sa EUL ng WHO

Nagagalak ang Palasyo dahil kabilang na rin ang Chinese vaccine na Sinovac sa Emergency Use Listing (EUL) ng World Health Organization (WHO).

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, nangangahulugan lamang ito na hindi lang ang ating Food and Drug Administration (FDA) kasama na ang ilang stringent authorities, ngayon maging ang WHO ay nagsasabi na ligtas at epektibo ang Sinovac laban sa COVID-19.

Kasunod nito, naniniwala si Roque na sa pagkakasama ng Sinovac sa EUL listing ng WHO ay mas lalong tataas ang ating vaccine confidence at mas dadami pa ngayon ang mahihikayat na magpabakuna.


Ang Sinovac ang pinaka-maraming bakuna ngayon dito sa bansa.

Maliban sa Sinovac, kabilang din sa napabilang sa EUL ng WHO ay ang Sinopharm, Pfizer/BioNTech, AstraZeneca, Serum Institute of India, Janssen at Moderna.

Facebook Comments