Palasyo ikinatuwa ang pagpapalawig ng voter registration.

Ikinalugod ng Malakanyang ang desisyon ng Commission on Elections (COMELEC) na palawigin pa ang voters registration ng hanggang October 30, sa halip na September 30.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, magandang balita ito lalo na sa sitwasyon ngayong humaharap pa rin ang bansa sa COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito, nanawagan ang Palasyo sa mga botante na samantalahin ang pagkakataong ito.


Magparehistro na aniya at huwag nang hintayin pa ang deadline.

Giit ng kalihim dapat gamitin ng bawat Filipino ang karapatan na bomoto.

Facebook Comments