Labis na ikinatuwa ng palasyo ng malakanyang ang latest Philippine statistics authority data na patuloy na bumababa ang inflation rate sa bansa.
Sa datos ng psa mula 6.7% inflation nuong oct 2018 ay bumaba ito sa 0.8% nitong oct 2019 na syang pinaka mababang inflation na naitala magmula nuong may 2016
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel & Presidential Spokesperson Salvador Panelo “Good News” na maituturing ito sa lahat ng mga pilipino partikular na kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Panelo ang pag-baba ng inflation o presyo ng mga pangunahing bilihin ang pangunahing socioeconomic goal ng Duterte administration.
Pinasalamatan din ng palasyo ang economic team ng administrasyon dahil sa ginagawang hakbang ng mga ito upang mapababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.
Kasunod nito nangako ang malakanyang na magtutuloy-tuloy ang ginagawang pagbabantay ng pamahalaan upang hindi na muling sumirit ang presyo ng basic goods & commodities lalo na ngayong nalalapit na ang pasko.