Palasyo, inaasahan ang patuloy na paghusay ng ranking ng Pilipinas sa Nikkei COVID-19 Recovery Index

Welcome development para sa Malacañang ang pinakahuling Nikkei COVID-19 Recovery Index na nagpapakita ng pagganda ng ranking ng Pilipinas.

Base dito, nasa ika-33 pwesto nitong Mayo ang bansa mula yan sa ika-57 pwesto noong Disyembre ng 2021.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar na isinalarawan din ng Tokyo-based business publication ang paghusay ng bansa bilang the best.


Patunay lamang aniya ito ng epektibong recalibration ng mga estratehiya ng Pilipinas sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Kabilang ang pagbubukas ng border ng bansa habang pinanatili ang paghihigpit sa pagsunod sa minimum public health standards lalo na ang patuloy na pagsusuot ng face mask, tamang daloy ng hangin at pagpapataas ng vaccination coverage kabilang na ang booster shots.

Kasunod nito umaasa ang Palasyo na magpapatuloy ang trend na ito habang nananatiling mapagmatyag at alerto ang lahat sa harap ng pagsulpot ng mga bagong variants ng COVID-19.

Facebook Comments