Palasyo, inaatasan ang PNP at NBI na imbestigahan ang paglaganap ng mga pekeng ID na ginagamit para makalusot sa mga quarantine checkpoints

Pinaiimbestigahan na ng Palasyo sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ang umano’y laganap na pekeng ID na ‘di umano’y mayroong logo ng Malacañang at pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na ginagamit para makalusot sa mga quarantine checkpoints.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, maliwanag na isa itong uri ng krimen na kailangan ay may managot.

Nabatid na ang ID ay galing umano sa Presidential Task Force on Moral Recovery at ibinebenta ng ₱1,000, ngunit tumaas na raw ang presyo sa ₱3,000 dahil sa quarantine.


Kasunod nito muling nagpaalala ang Palasyo sa publiko na walang ibinebentang ID ang gobyerno kaya’t huwag magpapabiktima sa ganitong uri ng modus.

Facebook Comments