Marami pa ang kailangang gawin ng pamahalaan upang mas maraming Pilipino ang magkaroon ng trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Pahayag ito ni acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar kasunod ng survey ng Philippine Statistics Authority kung saan lumalabas na nasa 6.4% ang unemployment rate sa bansa sa buwan ng Pebrero.
Katumbas ito ng 3.13 million unemployed na mga indibidwal kung saan mas mababa kumpara sa naitalang 4.19 million walang trabaho noong Pebrero, 2021.
Ayon sa kalihim, nangangahulugan lamang ito na ang COVID-19 response ng pamahalaan ay gumagana.
Ang economic team aniya ng bansa ay umaasa na maibababa na rin sa Alert Level 1 ang buong Pilipinas, upang mas maraming negosyo na ang makabalik operasyon, at mas maraming Pilipino ang makahanap ng trabaho.