Palasyo, inatasan ang government agencies na ibalik ang 30% ng kanilang bugdet para sa COVID-19 response

Inatasan ng Malacañang ang mga tanggapan ng gobyerno na ibalik ang bahagi ng kanilang 2020 budget sa National Treasury para madagdagan ang pondo para sa pagtugon sa Coronavirus pandemic.

Ang kautusan ay inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte na una nang inaming kinakapos na ng pondo ang pamahalaan para sa COVID-19 response.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang lahat ng departamento ay kailangang isauli ang 30% ng kanilang budget.


Aminado si Roque na walang choice ang pamahalaan kundi bawasan ang expenses nito para magamit ang pondo para maibsan ang epekto ng pandemya sa ekonomiya at sa taumbayan.

Nabatid na natanong kay Roque kung pakikiusapan ng Pangulo ang mga government officials na ibalik ang kanilang allowances at tapyasin ang kanilang mga sahod lalo na at marami sa mga kawani ng gobyerno ang nagtatrabaho sa kanilang mga bahay ngayong pandemya.

Facebook Comments