Palasyo, inatasan ang mga next-in-line at senior officials na maging OIC muna sa mga bakanteng posisyon sa gobyerno!

Inatasan ng Malakanyang ang mga senior officials nito at next-in-rank na pangasiwaan muna ang mga kagawaran, mga opisina, ahensya at bureaus na wala pang namumuno.

Ito ay batay na rin sa inilabas na Memorandum Circular No. 1 ni Executive Secretary Victor Rodriguez.

Sa inilabas na memo, nakasaad na ang lahat ng presidential appointees ay co-terminus at pinapabuo ng karagdagang staff.


Sakop ng memo ang lahat ng non-Career Executive Service Officials (non-CESO), Career Executive Service (CES) positions, at ang mga contractual at casual employees

Epektibo ang pag-upo sa pwesto ng mga OIC sa July 31, 2022 hanggang sa makahanap ang pamahalaan ng itatalagang pinuno sa mga bakanteng posisyon.

Habang ang mga contractual at casual employees na napaso na ang kontrata nitong June 30 ay extended ang kanilang serbisyo hanggang July 31, 2022, maliban na lamang kung sila ay matatanggal bago ma-renew ang kanilang kontrata.

Inatasan din ang mga apektadong personnel na i-turn over ang mga records, dokumento, mga kagamitan at iba pa sa kanilang successors o pinuno ng kanilang ahensya.

Facebook Comments