Manila, Philippines – Ipinag-utos ng Malacañan si National Youth Commission (NYC) Chairperson Ronald Cardema na bakantehin ang kanyang posisyon.
Ito ay matapos malamang naghain si Cardema ng petition for substitution para maging nominee ng Duterte Youth Partylist.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – ikinukunsiderang resigned na si Cardema mula sa kanyang pwesto mula nang maghain siya ng petisyon bago ang midterm elections.
Inatasan din ng Palasyo si Cardema na i-turn over ang lahat ng official papers, documents at properties na hawak nito sa Office of the President.
Si Cardema ang itinalagang NYC Chairperson noong August 23, 2018.
Isang military reservist si Cardema sa ilalim ng National Capital Region-Regional Community Defense Group ng army reserve command.