Palasyo, inilista ang mga ospital na mayroong murang RT-PCR tests

Inanunsyo ng Malacañang ang listahan ng mga ospital at laboratoryong nag-aalok ng murang coronavirus testing sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mayroong 15 medical facilities na may murang RT-PCR testing na nagkakahalaga mula ₱1,750 hanggang ₱2,000.

Kabilang sa mga pasilidad ay ang Lung Center of the Philippines, Philippine Children Medical Center, at Vicente Sotto Memorial Medical City.


Kasama rin ang mga sumusunod na health facilities:
• Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital (Caloocan City)
• Jose B. Lingad Memorial General Hospital (San Fernando, Pampanga)
• Vicente Sotto Memorial Medical Center (Cebu City)
• University of Cebu Medical Center (Mandaue City)
• Cebu Molecular Laboratory
• Baguio General Hospital
• Zamboanga City Medical Center
• Teresita Jalandoni Provincial General Hospital (Negros Occidental)
• Western Visayas Medical Center (Iloilo)

Ang Eastern Visayas Regional Medical Center at St. Paul’s Hospital na matatagpuan sa Tacloban, Leyte ay nag-aalok din ng COVID-19 test sa ‘reasonable rates.’

Matatandaang nagtakda na ang pamahalaan ng price cap para sa PCR testing para matiyak na abot-kaya ito para sa publiko.

Ang price ceiling sa private testing centers ay itinakda mula ₱4,500 hanggang ₱5,000 habang sa public testing centers ay maari lamang maningil mula ₱3,800 kada swab test.

Facebook Comments