Ipinauubaya na ng Malacañang kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasya kung tatanggapin o hindi ang alok ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maging anti-drug czar.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesman Kristian Ablan, welcome sa Palasyo ang alok ni President-elect Marcos dahil nais ni Pangulong Duterte na ituloy ng susunod na administrasyon ang kampanya laban sa illegal na droga.
Aniya, wala namang magiging legal na balakid sakaling tanggapin ni Pangulong Duterte na maging anti-drug czar pagbaba nito sa puwesto sa June 30.
Nauna nang iginiit ni Pangulong Duterte na hindi siya titigil sa paglaban sa illegal na droga kahit isa na itong sibilyan dahil hahanapin niya ang mga drug lord sa bansa.
Facebook Comments