Palasyo, ipinag-utos sa PNP at NBI na magsagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa pagkawala ng mga sabungero

Inaatasan ng Palasyo ng Malacañang ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng mas malalimang imbestigasyon hinggil sa pagkawala ng mga sabungero.

Sa memorandum circular na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, nais ng Malacañang na magsumite ang law enforcement agencies ng report o resulta ng imbestigasyon sa Office of the President sa loob ng 30 araw mula sa petsang inilabas ang kautusan.

Nakasaad din sa memorandum na inaatasan nito ang PAGCOR na magsagawa ng imbestigasyon sa anumang paglabag ng mga e-sabong licenses sa ilalim ng umiiral na terms of agreement at tiyakin na nakasusunod ang mga ito sa security at surveillance requirements sa ilalim ng regulatory framework para sa e-sabong off cockpit betting station.


Partikular na rito ang paglalagay ng CCTV sa lahat ng e-sabong game sites.

Kasunod nito, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ay tuloy pa rin ang operasyon ng mga e-sabong sa bansa.

Facebook Comments