Palasyo, ipinagmalaki ang apat na taong great performance sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte

Kasabay ng ikaapat na taon sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong June 30, 2020, ipinagmalaki ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na itinuturing na best performing economy ang Pilipinas hindi lamang sa South East Asia, kundi maging sa buong mundo.

Ayon kay Roque, sa nakalipas na apat (4) na taon bago tumama ang COVID-19 pandemic, mayroon tayong average na 6.5% growth habang under control din ang inflation at mataas ang record credit rating ng Pilipinas na nangangahulugang tama ang ginagawang polisiya ng Duterte Administration.

Giit pa ng kalihim, walang mintis o hindi bumababa sa 80% ang approval ratings ng Pangulo na ang ibig sabihin ay aprubado ng taumbayan ang kaniyang mga aksyon gayundin ang kampanya laban sa droga.


Inihalimbawa pa nito ang isang pag-aaral mula sa University of the Philippines (UP) experts na kung hindi nagpatupad ng lockdown noong Marso ay posibleng nasa tatlong milyon ang tinamaan ng COVID-19.

Facebook Comments