Palasyo, ipinaliwanag kung bakit nasibak ang dating envoy ng Pilipinas sa Brazil

Ang pagsibak sa dating ambassador ng Pilipinas sa Brazil ay magsilbi sanang paalala sa mga tao na dapat tratuhin nila ang kapwa nila nang may paggalang at pantay-pantay.

Ito ang pahayag ng Malacañang matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinibak niya si Marichu Mauro dahil sa pagmamaltrato niya sa isang kasambahay.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, malapit sa puso ng Pangulo ang mga mahihirap at inaapi.


Kabilang sa mga parusang kahaharapin ni Mauro ay revocation ng retirement benefits at disqualification sa public office.

Matatandaang naglabas ang Brazilian News Channel ang isang video na ipinapakita nag pagmamalupit ni Mauro sa kanyang kasambahay, daan para magsagawa ng imbestigasyon ang Department of Foreign Affairs (DFA) at magpasa ng rekomendasyon kay Pangulong Duterte.

Facebook Comments