Palasyo, ipinauubaya na kay Gen. Esperon kung sisibakin si Lt. Gen. Parlade bilang tagapagsalita ng NTF-ELCAC

Ipinauubaya na ng Malacañang kay NTF-ELCAC Chairperson Secretary Hermogenes Esperon Jr. ang pagde-desisyon sa mga hirit na dapat nang sibakin bilang tagapagsalita ng task force si Lt. Gen. Antonio Parlade Jr.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na hindi naman nagma-micro manage si Pangulong Rodrigo Duterte.

Bahala na aniya si Secretary Esperon na gawin ang kaniyang tungkulin hinggil dito.


May nauna nang pahayag si Senador Panfilo Lacson na nagsabing hindi lamang dapat gag order ang ipinataw kay Parlade kundi dapat ay tanggalin na ito bilang opisyal na tagapagsalita ng NTF-ELCAC dahil sa pagre-red-tagging sa mga community pantry organizer.

Facebook Comments