Palasyo, ipinauubaya na lamang sa Kongreso ang pagdedesisyon sa isinusulong ni Davao City Rep. Paolo Duterte na palitan ang pangalan ng NAIA

Dumistansya ang Palasyo sa mungkahi ni Davao City Representative Paolo Duterte na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ipinauubaya na nila sa Kongreso ang nasabing usapin.

Paliwanag nito, kinakailangan kasi ng batas kung papalitan ang pangalan ng NAIA.


Matatandaang inalmahan ni Vice President Leni Robredo ang nasabing mungkahi ni Presidential Son Paolo Duterte at sinabing hindi napapanahon ang kanyang gusto kung kailan nahaharap ang bansa sa krisis dulot ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments