Nasa hurisdiksyon ng mga Local Government Unit (LGU) kung ipagbabawal ang late-night videoke sessions sa kanilang komunidad.
Ito ang pahayag ng Malacañang matapos bumuo ang provincial government ng Cavite ng hotline na tatanggap ng mga reklamo mula sa mga residenteng nabubulahaw sa mga videoke ng kapitbahay.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nakasaad sa Civil Code of the Philippines na pinapayagan ang nuisance abatement action.
Una nang sinabi ni Cavite Governor Jonvic Remulla na magroronda ang mga pulis kung mayroong mga nagsasagawa ng inuman at videoke sessions lagpas ng alas-8:00 ng gabi.
Ang mga hindi susunod sa bagong patakaran ay aarestuhin.
Facebook Comments