Hahayaan na ng Malacañang ang Philippine Retirement Authority (PRA) na makapagdesisyon kung ano ang retirement age ang itatakda nito sa mga dayuhang nais magretiro sa Pilipinas.
Ito ang pahayag ng Palasyo matapos ikabahala ng mga senador ang pagdating ng nasa 27,678 Chinese Tourist sa Pilipinas na may edad 35-years old na sinasabing retirees.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ipapaubaya na nila sa PRA ang pagtatakda ng retirement age sa mga foreigners.
Ang PRA ay attached agency sa ilalim ng Department of Tourism (DOT), ay nakatakdang mag-convene sa lalong madaling panahon para ikonsidera ang pag-amyenda sa retirement age.
Batay sa records ng PRA, nasa 28,000 Chinese, o 40% ng lahat ng foreign retirees ang pinayagang pumasok sa bansa.
Sa polisya ng ahensya, pinapayagan ang pagpasok ng mga retirees na may edad 35 years old at pataas na may $50,000 cash.
Ipinag-utos na ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na i-review at baguhin ang polisya.