Palasyo: itapon nang maayos ang basura para iwas-baha

Umapela ang Malacañang sa publiko na aktibong makiisa sa tamang pagtapon ng basura at mga community cleanup efforts, para maiwasan ang mga pagbaha ngayong tag-ulan.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, marami sa mga mabababang lugar at urban areas ang patuloy na binabaha, hindi lang dahil sa malakas na ulan kung hindi dahil na rin sa mga baradong kanal at daluyan ng tubig na dulot ng mga basura.

Kaugnay nito, nanawagan si Castro sa publiko na tigilan na ang maling pagtatapon ng basura at maging kabahagi sa solusyon dahil kumikilos naman ang gobyerno.

Tiniyak din ng Palasyo ang patuloy na commitment ng pamahalaan sa mga flood mitigation projects sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga imprastraktura at pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan.

Pero binigyang-diin ni Castro na mas magiging epektibo ang mga hakbang kung may suporta at aktibong partisipasyon mula sa mga komunidad.

Facebook Comments