Palasyo, itinangging biktima ng red tagging ang doktor na inaresto matapos akusahang miyembro ng CPP-NPA

Itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na biktima ng red-tagging si Dr. Natividad Castro matapos arestuhin ng mga awtoridad sa bisa ng warrant or arrest.

Ayon kay acting Presidential Spokesman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, may pinagbasehan ang pag-aresto kay Castro dahil dumaan sa piskalya ang reklamo laban sa kanya kaya naisyuhan ng warrant or arrest.

Iginiit din ni Nograles na dumaan sa proseso ng imbestigasyon ang reklamo kay Castro at nabigyan ito ng pagkakataon para kontrahin ang alegasyon sa kanya sa preliminary investigation.


Aniya, may mga legal na remedyo naman kung hindi sumasang-ayon ang mga abogado ni Natividad sa prosesong pinagdaanan ng kanyang kaso.

Facebook Comments