Palasyo, itinangging binigyang basbas ni Pang. Duterte si Marinduque Rep. Velasco para tumakbo bilang House Speaker

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque na humingi ng permiso si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang pagtakbo bilang House Speaker sa kanilang naging pulong kagabi.

Ayon kay Roque, nang makausap niya si Pangulong Duterte, ang tanging naging tugon aniya ng Presidente kay Velasco ay “Karapatan mo yan, sang-ayon sa kasunduan ninyo ni Speaker Alan Peter Cayetano.”

Hindi naman masabi ng kalihim kung maituturing na basbas ni Pangulong Duterte ang naging tugon nito sa paghingi ng permiso ni Velasco na tumakbo bilang House Speaker.


Giit ni Roque, nadala na siya makaraan siyang akusahan ng isang mambabatas na mini-misquote niya ang sinasabi ng Pangulo kung kaya’t bahala na aniya ang mga tao na gumawa ng kanilang sariling konklusyon o interpretasyon.

Facebook Comments