Palasyo, itinangging ‘front’ lang ang water crisis para maisulong ang Kaliwa Dam project

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ng Malacañang ang akusasyong “front” o “palabas” lang ang isyu ng water crisis para maisulong ang kontruksyon ng Kaliwa Dam.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo – wala sa istilo ng administrasyong Duterte ang magpakalat ng kasinungalingan.

Paninindigan din aniya ni Pangulong Duterte ang sinabi nitong gagawa siya ng paraan para hindi magkaroon ng krisis sa tubig sa bansa.


Nito lang nakaraang linggo nang muling magpatupad ng water interruption ang Maynilad at Manila Water dahil sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam.

Facebook Comments