Walang ibinibigay na favoritism ang pamahalaan sa hanay ng mga nasa POGO industry.
Ito ang binigyang diin ng Palasyo kasunod ng naging pasya at pagkakasama sa guidelines ng IATF na maaari ng makapag- operate muli ang POGO sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ maging sa ECQ.
Paliwanag ni Presidential Spokesperson Atty Harry Roque, nasa iisang uri o klase lang naman kasi ang POGO at ang Business Process Outsourcing o BPO na dati namang kabilang sa exemption simula pa ng maipatupad ang ECQ.
Giit ni Roque hindi casino ang POGO dahil ang hardware o software lamang nila ang nandito sa bansa habang nagaganap ang gaming o sugal sa abroad at hindi dito sa Pilipinas.
kaugnay nitoy inihayag ni Roque na hindi naman agad – agad makapag- ooperate ang mga nasa POGO industty gayung kailangang munang makatugon ang mga ito sa ilang mga rekisitos.
kabilang dito ang pangangailangang makakuha ng clearance mula sa BIR at PAGCOR.