Palasyo itinangging natakot kay VP Leni kaya ito sinibak bilang anti-drug czar

Tahasang itinanggi ngayon ng Palasyo na na-threaten o natakot sila sa posibleng tagumpay ni VP Leni Robredo kaya ito sinibak bilang co-chairperson ng inter-agency committee on anti-illegal drugs.

Ito ay matapos umani ng batikos mula sa mga kritiko ng Administrasyon ang ginawang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay VP Robredo bilang Anti-drug czar dahil kung mapagtatagumpayan nito ang War on drugs ay tila sampal ito sa Duterte Admn na hindi maresulba ang problema sa ilegal na droga lalo pa’t inaasahan ang pagtakbo nito sa pagka pangulo sa susunod na halalan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo non sense ang naturang pahayag ng kanyang mga kritiko.


Paliwanag ni Panelo kung ganun lang ang mentalidad ng Pangulo ay hindi na nito itinalaga nuong una pa lang si Robredo bilang anti-drug czar.

Giit pa ng tagapagsalita ng Palasyo, kung matatandaan isa sya sa mga nag-udyok nuon kay Robredo na tanggapin ang posisyong alok ng Pangulo dahil magandang pagkakataon na ipakita at ipamalas ng bise presidente ang kanyang galing at nalalaman kung paano matutuldukan ang problema sa ilegal na droga sa bansa.

Facebook Comments