Itinanggi ng Malakanyang na pinahihintulutan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF- EID) na makabiyahe ang mga outbound passengers.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala pang “agreement in principle” at kasalukuyan pa itong pinag-uusapan ng Technical Working Group (TWG).
Muli rin iginiit ni Roque na ang outbound passengers ay limitado pa rin sa essential travel habang ang mga inbound passengers ay hindi pa rin pinapayagan maliban na lamang kung importante ang pakay nito na pinahihintulutan naman ng ilang ahensiya ng pamahalaan.
Matatandaan na unang inihayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, Vice Chairman ng IATF, na napagpasiyahan na nila na luwagan ang outbound travel restrictions sa mga Filipino na gustong makapiling ang kanilang foreigner partners.
Kailangan lang ay makikipag-ugnayan sila sa Bureau of Immigration, Department of Foreign Affairs (DFA) at ng airline company.