Palasyo kay dating Senador Trillanes: “Libreng mangarap”

Libreng mangarap.

Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque makaraang hayagang sabihin kahapon ni dating Senator Antonio Trillanes na balak niyang tumakbo sa pagkapangulo sa May 2022 national elections.

Ayon kay Roque, karapatan ni Trillanes na mangarap kaya’t hayaan na lamang siya.


Pero tila hindi pa rin ito makakatakbo, dahil may plano rin si Vice President Leni Robredo na kumandidato sa pagkapangulo.

Kasunod nito, sinalag ng kalihim ang pahayag ni Trillanes na hindi lamang ang demokrasya ang nakasalalay sa susunod na halalan kundi maging ang survival na aniya’y walang katuturan dahil wala namang isyu na hindi tayo magwawagi mula sa COVID-19 pandemic.

Kasunod nito, hinamon ni Roque ang dating mambabatas na magsampa ng kaukulang kaso laban kay Pangulong Rodrigo Duterte lalo na kung sa paniniwala nito ay may nalabag na probisyon ang Pangulong Duterte.

Ani Roque, imbes na dumakdak nang dumakdak kumalap na lamang ito ng mga ebidensya at ihain sa korte ang reklamo.

Facebook Comments