Palasyo kay Pacquiao: “Tax evasion, isang uri ng korapsyon”

Pinayuhan ng Malacañang si Senator Manny Pacquiao na tingnan ang sarili sa salamin.

Ipinaalala ng Palasyo sa senador na ang tax evasion ay isang uri ng korapsyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat tingnan ni Pacquiao ang kanyang sarili bago banatan ang ibang tao.


“Kung ikaw ay tunay na naninidigan laban sa korupsyon, sa iyong pamumuhay dapat wala kang korupsyon,” sabi ni Roque.

“Ang hindi pagbabayad ng tamang buwis at isang form ng korapson,” anang Palace official.

Dagdag pa ni Roque, puro lamang salita at hindi naman napatunayan ang mga alegasyon ni Pacquiao.

“Ang inaasahan sana ng Presidente ay gagampanan niya yung kanyang papel bilang isang Senador na talagang mag-iimbestiga sa Senado pero hindi po ‘yan nangyari,” sabi ni Roque.

Nasa Estados Unidos si Pacquiao sa kanyang pag-eensayo para sa nalalapit na laban kay Errol Spence sa Las Vegas, Nevada sa susunod na buwan.

Matatandaang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na aabot sa 2.2 billion pesos ang hindi nabayarang buwis ni Pacquiao sa pamahalaan.

Facebook Comments