Palasyo kinokondena ang nangyaring pananambang kay Calbayog Mayor Ronald Aquino

Tahasang kinokondena ng Palasyo ng Malacañang ang ginawang pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronald Aquino Kagabi.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, nakaka-alarma ang insidente dahil ang napatay ay isang alkalde at baka ito aniya ay simula na naman ng patayan dahil sa pulitika sa panahon nang nalalapit na ang eleksyon.

Ani Roque, walang puwang sa demokrasya ang political violence sapagkat sa malayang bansa tulad ng Pilipinas ay ang taumbayan ang naghahalal ng napupusuan nilang kandidato.


Kasunod nito, sinabi ng kalihim na maigagawad ang hustisya sa pagkamatay ng alkalde basta’t hayaan lamang gumulong ang imbestigasyon.

Sa nasabing “misencounter” maliban kay Aquino nasawi rin ang kanyang driver at security aide, mayroon din sa panig ng Integrity Monitoring and Enforcement Group, Provincial Drug Enforcement Unit at isang sibilyan.

Facebook Comments