Palasyo, kinontra ang OSG hinggil sa naging pahayag nito na hindi maaaring buwisan ang mga nasa POGO industry

Manila, Philippines – Naniniwala ang Malakanyang na may pananagutang magbayad ng buwis ang mga nasa industriya ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.

Taliwas ito sa una ng naging pahayag ni Solicitor General Jose Calida na hindi saklaw ng tax code ng bansa ang mga nasa POGO industry.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at spokesman Salvador Panelo, sakop ng National Internal Revenue Code ang mga domestic POGOs gayundin ang mga foreign POGOs.


Malinaw ani Panelo na may karapatan ang estado na makapangolekta ng kaukulang buwis sa alinmang entity o indibidwal.

Kaya dapat lang ayon kay Panelo na magbayad ng buwis ang mga nagta-trabahong indibidwal sa mga kumpanya ng POGO at makaltas ito sa kanilang mga sahod base na rin sa itinatakda ng National Internal Revenue Code.

Facebook Comments