Palasyo, kinumpirma ang pagbibitiw ni Sec. Vince Dizon bilang presidente at CEO ng BCDA

64

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na nagbitiw na bilang presidente at CEO ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) si Sec. Vince Dizon.

Ayon kay Roque, naghain ng kanyang resignation si Dizon noong Oktubre 15,2021.

Sinabi pa ng kalihim na mismong si Sec. Dizon ang humiling kay Pangulong Rodrigo Duterte na bawasan ang kanyang tungkulin nang sa ganon ay makapag-focus ito sa COVID-19 response ng pamahalaan.


Ani Roque, mananatili si Dizon bilang Presidential Adviser for COVID-19 response, Deputy Chief Implementer ng National Task Force Against COVID-19 at Testing Czar.

Facebook Comments