Kinumpirma ng Palasyo ng Malacañang ang appointment ni Gen. Dionardo Bernardo Carlos bilang bagong pinuno ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, nilagdaan ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment paper ni Carlos pero ito ay magiging epektibo sa Sabado, Nov. 13, 2021 pagbaba sa pwesto ni incumbent PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar.
Kasunod nito, tiwala ang Malacañang na maipagpapatuloy ni Gen. Carlos ang mga repormang napasimulan na sa hanay ng Pambansang Pulisya.
Si Carlos ay pang ika-25 pinuno ng PNP.
Magsisilbi ito bilang pinuno ng Pambansang Pulisya hanggang May 8, 2022.
Si Carlos din ang huling PNP Chief na naitalaga sa ilalim ng Duterte administration.
Facebook Comments