Walang naging pagtutol si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging rekomendasyon ng Department of Education (DepEd) na “progressive expansion” ng limited face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ngayon ng Alert Level 1 at 2.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, aprubado ito ng pangulo basta’t kinakailangan ay suportado ito ng concern Local Government Unit (LGU), may pahintulot mula sa mga magulang ng mga estudyante at stakeholders ng pamahalaan.
Aniya, ang DepEd at ang Department of Health (DOH) ang siyang nakatoka sa pag-a-assess ng expansion ng pilot implementation ng limited face-to-face classes.
Una nang sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones na posibleng magsimula ang limited face-to-face classes sa mga lugar na sakop ng Alert Level 1 at 2 sa unang linggo ng Pebrero.