Palasyo, kinumpirmang nag-apply na ang Pfizer-BioNtech para sa Emergency Use Authorization ng kanilang COVID-19 vaccine sa Pilipinas

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nag-apply na ang Pfizer-BioNtech para sa Emergency Use Authorization ng kanilang bakuna sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni Roque na naghain na ng aplikasyon ang Pfizer noon pang Disyembre 23.

Maghihintay lamang aniya ng 21 araw para maaprubahan ng Food and Drug Administration ang aplikasyon para sa EUA ng Pfizer.


Samantala, ipinaliwanag naman ni FDA Director-General Eric Domingo kay Pangulong Rodrigo Duterte na kaunti na lamang ang hinihingi nilang requirements para maaprubahan ang bakuna dito sa bansa.

Kinakailangan lamang nila ng impormasyon kaugnay sa safety at efficacy ng bakuna batay sa kanilang mga unang isinagawang clinical trials.

Facebook Comments