Palasyo, kinundena ang ‘mapanirang’ palabas ng Netflix tungkol kay Duterte

BUMAHA ng iba’t ibang reaksyon matapos maipalabas sa latest episode na Netflix political-satire show “Patriot Act” ang mga negatibong pahayag ukol sa bansa.

Binatikos ng host na si Hasan Minhaj ang tungkol sa extra judicial killing (EJK), ang pagmumura ni Pangulong Rodrigo Duterte at malaswang pagbibiro nito sa mga kababaihan at marami pang iba.

Inihayag ni Hasan na hindi epektibo ang “war on drugs” ng Pangulo. Pinuri rin ni Hasan sina Rappler CEO Maria Ressa at Senator Leila De Lima sa umano’y paglaban kay Duterte.


Nagbigay si Minhaj ng kanyang saloobin tungkol sa elections at ilang senatorial candidates na sinuportahan ni Presidente Duterte gaya nina Ilocos Governor Imee Marcos at Bong Revilla.

Sinagot naman si Hasan ni Communications Secretary Martin Andanar sa mga naging
pahayag ni Hasan sa episode na “Brazil, Corruption, and the Rainforest” nang tawagin ng
host si Duterte na “autocrat” who “every so often goes on a killing spree.”

“We find it desperate that, on the eve of the Philippine midterm elections, the vociferous
detractors of President Rodrigo Roa Duterte would use an American comedy show, aired
on Netflix, to demonize the chief executive and his government in its episode entitled ‘Brazil, Corruption and the Rainforest’ before the global audience,” ani Andanar.

“Exaggerated” din umano ang figure na 27,000 para sa drug war deaths na mas mataas sa
official figure na over 5,000 upang siraan ang kampanya ng gobyerno laban sa droga.

“The Philippine National Police also reported that a large number of deaths were done by
the hands of vigilantes due to the rivalry between drug gangs,” dagdag ni Andanar.

Ayon pa kay Andanar, may 7 sa 10 Pinoy ang nagsabing seryoso ang Duterte administration sa paglutas ng patayan sa bansa habang 6 sa 10 Pinoy ang nagsabing bumaba ang illegal drug users sakanilang lugar na patunay na epektibo ang kampanya ng pamahalaan.

Bukod dito, may 303,533 indibidwal ang nabenepisyuhan sa rehabilitation program ng
gobyerno.

Facebook Comments