
Kumpiyansa ang Malacañang na kaya pa ring maabot ng Pilipinas ang target na 5.5 hanggang 6.5% economic growth sa pagtatapos ng 2025.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, nananatiling matatag ang pananaw ng Palasyo na maaabot ang itinakdang GDP growth target, batay na rin sa koordinasyon nila sa Department of Budget and Management (DBM).
Tiwala si Castro na mas bibilis pa ang galaw ng ekonomiya sa huling quarter ng taon dahil sa inaasahang pagtaas ng holiday spending ng pribadong sektor, na sasabayan naman ng mga programang pangkabuhayan ng gobyerno at pag-angat ng exports.
Giit ng Malacañang, nananatiling positibo ang direksyon ng ekonomiya kahit sa gitna ng mga hamon sa pandaigdigang merkado.
Facebook Comments









