Palasyo, kumpiyansang makakamit ang drug-free na Pilipinas sa 2022

Nananatiling kumpiyansa ang Malacañang na maisasakatuparan pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangako nitong malaya ang bansa mula sa ilegal na droga kasabay ng kanyang pagbaba sa puwesto sa taong 2022.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, posible pa ring mangyari ito kung mayroong buong kooperasyon ang mga Local Government Unit (LGU).

Bago ito, inihayag ni Dangerous Drugs Board Chairperson Catalino Cuy na malabo nang makamit ng Pilipinas ang drug-free status sa 2022 dahil kulang na ang panahon.


Sinabi ni Cuy na bumuti ang sitwasyon ng bansa nang ikasa ang giyera kontra droga.

Bumaba ang drug users mula sa tatlo hanggang apat na milyon nitong 2016 patungong 1.6 million sa huling national survey sa mga Pilipinong may edad 10 hanggang 69.

Sa huling datos ng pamahalaan, aabot sa 5,903 suspects ang napatay habang 259,000 ang naaresto.

Facebook Comments