Walang nakikitang dahilan ang Malakanyang upang hindi isabatas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang magpapalawig sa panahon ng voter registration, mula sa kasalukuyang deadline na September 30, patungong October 31, 2021.
Tugon ito ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque nang tanungin kung pipirmahan ba ng pangulo ang nasabing panukala.
Ayon sa kalihim, mangyayari lamang na hindi lalagdaan ng pangulo ang panukala, kung magkakaroon ng legal objection ang legal department ng Office of Executive Secretary na siyang mag-aaral nito.
Gayunpaman, kung siya aniya ang tatanungin ay wala naman siyang nakikitang mali o labag sa batas hinggil sa pagpapalawig ng voter registration.
Aniya, sa kasalukuyan ay hindi pa natatanggap ng Malakanyang ang pirmadong kopya ng panukalang ito.