Manila, Philippines – Kumpyansa ang Malakanyang na tataas ang estado ng kakalakan at tiwala ng mga negosyante matapos ang 5-buwang rebellion sa Marawi na kagagawan ng Maute Terror Group.
Ayon kay Presidential Spokesperson Usec. Ernesto Abella, malaki ang ilalagak ng gobyerno para sa sektor ng imprastraktura kaugnay sa reconstruction at rehabilitation program of Marawi na inaasahang magbibigay ng maraming trabaho.
Diin ni Abella, ang rehabilitation ng Marawi ay magbubukas ng maraming economic opportunities para matulungan ang mga Maranao na maibangon ang kanilang kabuhayan.
Kaugnay nito ay umapela si Abella sa lahat na makipagtulungan para pagbangon ng Marawi at higit na pagpapatatag sa ating bansa.
Facebook Comments