Ikinalungkot ng Palasyo ang lumabas na SWS Survey kamakailan kung saan lumalabas na 48% ng pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila ay mahirap.
Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque malungkot man pero ito ang realidad bunga ng COVID-19 pandemic.
Kaya nga pinag-iingat ang lahat at pinapayuhang sumunod sa health and safety protocols habang binubuksan unti-unti ang ekonomiya nang sa ganon ay makabalik sa trabaho ang ating mga kababayan upang mabawasan ang pagkagutom.
Sinabi pa nito na hinihikayat ang lahat na magpabakuna na upang magkaroon ng proteksyon mula sa virus.
Tulad aniya ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na bagama’t mahirap ang buhay dahil nawawalan ng trabaho ang ating mga kababayan ay sa kauna-unahang pagkakataon sa ating kasaysayan ay nagbigay ng 660 billion pisong social amelioration ang pamahalaan at iba pang tulong sa pamamagitan ng mga pautang sa mga pinakamahihirap nating mga kababayan.
Ang nabanggit na SWS survey ay isinagawa nitong June 23 – 26 sa 1,200 mga indibidwal.